Tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “fake news” ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte na may plano ang administrasyon na pigilan ang halalan sa 2028.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, sinabi mismo ni Marcos na walang katotohanan ang naturang pahayag ni Duterte.

Nauna nang sinabi ni Duterte na desperado umano ang administrasyon na pabagsakin siya, isulong ang Charter change at pigilan ang 2028 elections.

Kaugnay ito ng mga alegasyon ni dating pulis Rodulfo Gracioso Jr. na naghatid umano siya ng mga maleta ng pera kay Duterte at sa iba pang miyembro ng pamilya Duterte.

Samantala, sinabi ng National Bureau of Investigation na sinimulan na nito ang imbestigasyon sa mga alegasyon ni Gracioso.

-- ADVERTISEMENT --