Hindi haharangin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang anumang kilos-protesta hangga’t ito ay isinasagawa sa ilalim ng batas, ayon sa Malacañang nitong Lunes, Oktubre 13.

Kasunod ito ng mga anunsyo mula sa ilang grupo na magsasagawa pa ng mga rally kaugnay sa umano’y katiwalian sa mga proyektong may kinalaman sa flood control.

Nilinaw ng Palasyo na pangunahing layunin ng Pangulo ang pananatili ng kaayusan at legalidad sa mga aktibidad na tulad ng protesta. Kasabay nito, nanawagan din ang gobyerno sa mga mamamayan na bigyang-pansin din ang pagtulong sa mga biktima ng kamakailang kalamidad.

Samantala, sa isyu ng protesta na pinangunahan ni Cavite Representative Francisco “Kiko” Barzaga sa harap ng isang high-end na subdivision, sinabi ng Palasyo na abala ang Pangulo sa pagtatrabaho para sa bansa at hindi inuuna ang pamumulitika.