
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumuti na ang daloy ng trapiko sa northbound lane ng North Luzon Expressway o NLEX, na nasa 45 minuto na lamang habang patuloy na humuhupa ang baha.
Gayunman, nananatiling problema ang southbound lane na mas mababa ang lokasyon at mas matindi ang pagbaha. Ayon kay Marcos, hindi sapat ang simpleng pagbomba ng tubig dahil baha rin ang mga nakapaligid na lugar.
Bilang solusyon, pinag-aaralan ng pamahalaan ang paghuhukay ng ilang lugar na maaaring gawing pansamantalang catchment o imbakan ng tubig upang hindi dumaloy at manatili ang baha sa expressway.










