Pinayagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Jonvic Remulla na magtalaga ng kinatawan na maaaring mag-apruba ng mga kahilingan ng mga lokal na opisyal na bumiyahe sa ibang bansa.

Nakasaad ito sa Administrative Order No. 47, na nag-amyenda sa Administrative Order No. 267 na inilabas noong 1992. Layunin nitong mapabilis ang proseso ng pag-apruba ng travel requests at mapahusay ang kahusayan sa burukrasya habang nananatili ang sapat na pangangasiwa sa mga lokal na pamahalaan.

Nilagdaan ang kautusan ni Executive Secretary Ralph Recto noong Hulyo 30, 2026, sa kapangyarihan ng Pangulo.

Sa ilalim ng Local Government Code of 1991, kinakailangang humingi ng pahintulot sa Office of the President ang mga lokal na opisyal na maglalakbay sa ibang bansa kung lalampas sa tatlong buwan ang biyahe, isasagawa sa panahon ng emergency o krisis, o kung gagamit ng pondo ng pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --