Tinanggap ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibitiw ni National Security Adviser Eduardo Año, ayon sa Malacañang.

Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na nagpasya si Año na magretiro matapos ang mahabang panahon ng paglilingkod sa pamahalaan at militar.

Ayon sa Malacañang, malaki ang naging papel ni Año sa pagpapalakas ng national security framework, pagpapaigting ng counterterrorism at internal security efforts, at koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng seguridad sa gitna ng mga hamong panrehiyon at pandaigdig.

Papalitan si Año ni Eduardo Oban Jr., dating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines. Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1979 at may malawak na karanasan sa military operations, defense planning, at national security. Nagsilbi rin siya bilang Deputy Chief of Staff for Plans at pinuno ng Visiting Forces Agreement Commission.

Inaasahan ng Malacañang na magpapatuloy ang mga programa sa seguridad ng bansa sa ilalim ng pamumuno ni Oban.

-- ADVERTISEMENT --