Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaki na nag-iwan ng 10 marijuana bricks sa national highway sa Barangay Cagaluan, Pasil, Kalinga.

Sinabi ni PCAP Ruff Manganip, information officer ng Kalinga PNP na bago ang insidente, sakay ng motorsiklo ang suspek galing ng bayan ng Tinglayan at nang makita ang checkpoint sa Barangay Dangoy, Lubuagan ay bigla nitong pinaharurot ang kanyang motor.

Dahil dito, hinabol siya ng mga pulis na umabot ng dalawang kilometro, subalit hindi nila ito nahabol.

Nakita na lamang ng mga pulis ang iniwang mga dalahin ng suspect sa kalsada.

Nang buksan ang bag, nakita ang 10 bricks ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.2m.

-- ADVERTISEMENT --

vc manganip

Kaugnay nito, sinabi ni Manganip na patuloy ang ginagawang marijuana eradication sa kanilang nasasakupan bilang bahagi ng supply and demand ng marijuana sa Kalinga.