Inihalal ng Senado si Mark Villar bilang bagong chairman ng makapangyarihang Senate Committee on Finance kapalit ni Sherwin Gatchalian.
Inihain ni Acting Majority Leader Joel Villanueva ang mosyon para italaga si Villar sa komiteng humahawak sa pambansang badyet o General Appropriations Bill, at agad itong inaprubahan ng plenaryo.
Kasabay nito, nagtalaga rin ang Senado ng mga bagong chairperson sa ilang permanent committees matapos ang pagbabago sa liderato ng kapulungan sa ilalim ni Senate President Alan Peter Cayetano.
Kabilang sa mga bagong committee assignments sina Senators Pia Cayetano, Loren Legarda, Bong Go, Jinggoy Estrada, Robin Padilla, Rodante Marcoleta at iba pa.
Ayon kay Gatchalian, may sapat na karanasan si Villar sa public finance dahil sa kanyang naging pamumuno noon sa DPWH at karanasan sa negosyo.
Aniya, mahalaga ang Finance Committee dahil ito ang humahawak sa usapin ng pondo, gastusin, at pambansang budget ng bansa.










