
Inilabas na ng lahat ng senador sa majority bloc, kabilang ang ilan mula sa minority ang kanilang pinakahuling Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Sina Senators Bam Aquino, Pia Cayetano, JV Ejercito, Francis “Chiz” Escudero, Jinggoy Estrada, Panfilo “Ping” Lacson, Lito Lapid, Loren Legarda, Erwin Tulfo, Joel Villanueva, Mark Villar, Camille Villar, at Juan Miguel “Migz” Zubiri ang mga pinakahuling mga mambabatas sa Senado ang naglabas sa publiko ng kanilang SALNs.
Unang inilabas nina Senators Bong Go at Rodante Marcoleta, kapwa mula sa minority bloc ang kanilang SALN noong Martes ng gabi.
Kabilang din sa mga naunang naglabas ng kanilang SALN sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, at senators Risa Hontiveros, Francis “Kiko” Pangilinan, Robin Padilla, Sherwin Gatchalian, at Raffy Tulfo.
Si Senator Mark Villar ang may pinakamalaking net worth, na nagkakahalaga ng P1.26 billion.
Mayroon siyang personal properties na nagkakahalaga ng P912.19 million at real properties, kabilang ang mga bahay, mga lote, at condominiums, na nagkakahalaga ng P349.14 million.
Wala siyang liabilities, base sa kanyang December 31, 2024 SALN.
Mayroon ding koneksyon si Villar sa Himlay Reality Inc. at Major Asset Ventures Holdings, Inc.
Ipinunto din niya na ang siyam sa kanyang mga kamag-anak, kabilang ang kanyang ina na si Cynthia at kapatid na si Camille, ay nagtatrabaho sa Kongreso nang ilabas niya ang kanyang SALN.
Ang kanyang asawa na si Emmeline Aglipay-Villar ay nagsisilbi na Underscretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Samantala, ang idineklarang SALN ni Camille Villar ay P362.07 million noong June 30, 2025.










