Dumating na sa Pilipinas si death row convict Mary Jane Veloso ngayong umaga matapos ang mahigit isang dekada na pagkakakulong sa Indonesia.

Dumating ang sinakyan niyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airportg kaninang 5:50 a.m.

Una rito, pumunta sa Jakarta ang mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs at Bureau of Corrections pasa isapinal ang kasunduan para sa paglilipat kay Veloso.

Dadalhin si Veloso sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City si Veloso, kung saan ilalagay siya sa selda ni dating Cassandra Li Ong, ang kinatawan ng Pogo hub na sinalakay sa Porac, Pampanga, at sasailalim siya sa limang araw na quarantine at 55 araw na security evaluation bago dadalhin sa regular na selda

Matatandaan na inaresto si Veloso noong 2016 matapos na makita sa kanyang bagahe ang 2.6 kilograms na heroin.

-- ADVERTISEMENT --

Nailigtas siya mula sa firing squad noong 2015 matapos na maaresto ang kanyang mga recruiter.

Una rito, tinawag ni Veloso na isang milagaro ang paglipat sa kanya sa bansa mula sa Indonesia.