Inilipat na sa regular na dorm ang convicted drug courier na si Mary Jane Veloso sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Sa isang pahayag, sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) na nai-transfer na si Veloso sa regular dorm sa Reception and Diagnostic Center (RDC) matapos ang limang araw na quarantine period na nagtapos noong December 26.

Sinabi ni CIW acting superintendent Marjorie Ann Sanidad na ang hakbang na ito ay hindi lamang nagpo-promote ng ‘sense of community’ kung ‘di maging ng pagbibigay-prayoridad sa kahalagahan ng suporta sa mga kababaihan habang sumasailalim ang mga ito sa rehabilitation.

Samantala, mananatili rin umano si Veloso sa dorm na may sukat na 48×32 feet, kung saan niya makakasama ang 30 mga bagong persons deprived of liberty (PDLs).

-- ADVERTISEMENT --