
Sinabi ng Malacañang na kailangan ng mas malalim na imbestigasyon bago matukoy kung may mga politikong tumatanggap umano ng suporta mula sa China.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi dapat agad isapubliko ang pangalan ng sinumang politiko hangga’t walang sapat na resulta ng imbestigasyon.
Hinimok naman ni Castro ang mga lider at publiko na unahin ang pambansang interes at huwag magpagamit sa ibang bansa para lamang manatili sa puwesto, lalo na sa mga usapin sa West Philippine Sea.










