Iginiit ni President Masoud Pezeshkian na hindi susuko ang bansang Iran sa gitna ng tensyon at digmaan laban sa United States at Israel.

Sa kanyang speech broadcast nitong Sabado, binigyang-diin ni Pezeshkian na hinding-hindi susuko ang Tehran sa mga kaaway nitong bansa.

Samantala, humingi naman siya ng paumanhin sa mga karatig-bansa na naapektuhan ng mga pag-atake ng Iran.

Tiniyak naman ng pangulo na hindi sila maglulunsad ng panibagong pag-atake maliban na lang kung magkaroon pa ng banta sa kanilang teritoryo.