TUGUEGARAO CITY- Magpupulong ngayong araw na ito ang mga opisyal ng Cagayan at Tuguegarao City kasama ang mga taga- DOH central office para sa planong pagsasagawa ng mass testing para sa covid-19 sa lungsod.
Sinabi ni Governor Manuel Mamba, ito ay dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng covid-19 sa Tuguegarao kung saan 15 ang panibagong confirmed positive case kahapon.
Ayon sa kanya, pawang mga local transmission ang mga nasabing new cases.
Kasabay nito, sinabi ni Mamba na irerekomenda rin niya na ibalik sa Modified Enhanced Coomunity quarantine ang Tuguegarao kung patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng virus sa Tuguegarao.
Ayon sa kanya, malaking hamon ang paglaban sa virus ngayon sa lalawigan dahil sa nababalewala na ang mga health protocols lalo na sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga sinalanta ng mga pagbaha.