Narekober ng hanay ng militar ang iba’t ibang kalibre ng malalakas na armas at pampasabog matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga rebelde sa brgy. Dagupan, Lallo, Cagayan.

Ayon kay CAPT Rigor Pamittan, hepe ng Division Public Affairs Office, 5th ID, tumagal ng halos 30 minuto ang naging palitan ng putok sa pagitan ng mga miyembro ng 77th Infantry Battalion at ng mga rebeldeng miyembro ng Komiteng Probinsya Cagayan- Komiteng Rehiyon Cagayan Valley.

Naiwan nila sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang M16 riffle na may tatlong magazines, dalawang M14 riffle na may dalawang magazine, isang M653 riffle at Caliber 45 pistol na may isang magazine.

Dagdag pa rito ay nakuha rin sa lugar ang iba’t ibang uri ng mga bala, anti-personal mines na may mga short wires, subersibong mga dokumento at mga medical supplies.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang pagtugis o hot pursuit operation ng militar sa mga nakatakas na rebelde habang wala namang nasugatan sa hanay ng kasundaluhan.

-- ADVERTISEMENT --