Umabot sa 65 iba’t ibang high powered firearms na isinuko ng mga dating miyembro ng New Peoples Army
ang sinira ng mga otoridad sa Police Regional Office 2 (PRO2).
Ayon kay PLT Efren Fernandez II, tagapagsalita ng PRO 2, ang mga naturang baril ay ang mga isinuko ng
mga dating NPA sa mga otoridad mula pa noong 2019.
Saad niya, bago ang pagsasagawa ng seremonya sa pormal na pagsira sa mga baril ay dumaan muna ang mga
ito sa iba’t ibang proceso.
Lahat aniya ng mga baril ay walang mga kaukulang lisensya na isinuko ng mga nagbalik loob sa gobyerno
at hindi rin mabatid kung kanino galing ang mga ito.
Samantala, naniniwala si Fernandez na ang pagsuko at pagpapasakamay ng mga dating rebelde sa kanilang
mga baril ay kahayagan lamang na epektibo ang mga programa ng pamahalaan sa ilalim ng NTF-ELCAC.
Isinagawa ang pagsira ng mga baril kahapon, December 16, sampung araw bago ang anibersaryo ng mga NPA.