
Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari at drayber ng bus na sangkot sa aksidenteng bumangga sa limang motorsiklo, tatlong multi-purpose vehicles, at isang van sa Taft Avenue noong Pebrero 3, 2026.
Ayon sa LTO, siyam na indibidwal ang nagkaroon ng mild at severe injuries dahil sa insidente.
Mababatid na kasalukuyang iniimbestigahan ang driver sa reckless driving at pagiging improper person to operate a motor vehicle, habang ang may-ari ng bus ay posible ring managot.
Itinakda ang pagsusumite ng written explanation sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO sa Pebrero 9, alas-2 ng hapon.
Pansamantala ring suspendido ang lisensya ng driver sa loob ng 90 araw, at inilagay sa alarma ang bus habang isinasagawa ang imbestigasyon.










