Nakatakdang maghain ng mas marami pang kaso ang Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito ay matapos na mas naging malinaw pa umano’y koneksiyon ng alkalde sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators dahil sa nakitang digital footprints at paper trails mula sa 2 scam farms na kanilang sinalakay.
Ginawa ni PAOCC spokesperson Winston Casio ang pahaya ilang araw lamang marapos na maghain ang ahensiya ng kasong qualified human trafficking na walang kaukulang piyansa laban sa Bamban Mayor.
Bamban Mayor Alice Guo tinanggal na bilang miyembro ng NPC
Anti-Trafficking in Persons charges na inihain ng PAOCC sa DOJ laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, walang malinaw na batayan ayon sa alkalde
Suspended Bamban Mayor Alice Gou, bahagi umano ng criminal syndicate na responsable sa dalawang sinalakay na POGO hub
Kaugay nito, may posibiliad pa aniya na makasuhan si Guo may kinalaman sa illegal POGO sa Porac.
Sinabi din ni Casio na ang mga dokumentong nakuha mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at mga dokumento kaugnay sa Baofu Lans Development ay tila nagpapatunay na primary enabler si Guo ng ilegal na POGO sa Bamban at Porac.
Gayundin, isa pa sa karagdagang katibayan na nadiskubre ng PAOCC ay ang mga larawan ni Guo kasama ang isang nagngangalang Cassandra Lee Ong na ikinokonsidera ding person of interest sa kaso.
Ayon kay Casio, si Ong ay lumalabas sa ilang mga dokumento at aplikasyon ng 2 ilegal na POGO sa Pagcor at present din sa kampaniya ni Guo sa pagka-alkalde noong 2022.
Kaugnay nito, nakatakdang maghain din ng isang reklamo laban kay Ong.
Nakatakda ding kasuhan ang 2 dayuhang POGO workers na natukoy bilang kidnappers at torturers at 12 iba pang dayuhang konektado sa ilegal na operasyon ng POGO.