Pinaalalahanan ng MDRRMO Sta.Ana ang mga residente nito, lalo na ang mga nasa malapit sa baybaying dagat, landslide prone area, at mga mabababang lugar na agaran nang lumikas muli sa mas ligtas na lugar bago pa dumating ang Bagyong Ofel upang maiwasan ang peligro at mas matinding pinsala.
Ayon kay Marion Miranda ,Head ng MDRRMO sta ana, sapat naman ang bilang ng evacuation centers sa naturang bayan ngunit halos lahat ng mga ito ay nasira at tuklap ang bubong bunsod ng matinding pag-uulan at hanging dala sa pananalasa ng bagyong ‘Marce’.
Aniya kasalukuyan ng nag iidentify ang barangay disaster risk reduction management committees ng mga ligtas na lugar na maaaring kanlungan ng mga evacuees at ginagawa din ang adopt a neighbor’, kung saan ang mga residente na nasa mas ligtas na lugar ay maaaring pansamantalang magpatuloy ng mga kapitbahay na kailangang lumikas na kahit may mga evacuation center at paaralan sanang gagamitin ngunit halos lahat ay sinira na ng mga nagdaang bagyo.
Bukod dito, hindi rin tumutigil ang lokal na pamahalaan ng Sta. Ana sa pagtugon sa pangangailangan ng mga residente matapos ang pananalasa ng bagyong ‘Marce at Nika.
Sa ngayon ay puspusan ang isinasagawang paghahanda sa posibleng paglandfall ng Bagyong Ofel bukas sa bayan ng Sta.Ana Cagayan.