TUGUEGARAO CITY- Isinailalim na sa inquest proceeding ang isang media practitioner na nahuli sa entrapment operation

dahil sa pangingikil sa isang negosyante sa Brgy. Ugac Norte, Tuguegarao City.

Sinabi ni Atty. Gelacio Bongngat, director ng NBI Region 2, agad silang nagplano ng operasyon matapos

na magsumbong sa kanilang tanggapan ang isang negosyante na hindi na pinangalanan na tinakot siya ni

Romel Dela Cruz Mendi ng San Fermin, Cauayan City, Isabela na isisiwalat niya sa kanyang umano’y

-- ADVERTISEMENT --

youtube vlog na tinawag niyang ” Target News” na iligal ang kanyang negosyo na isang hardware kung

hindi siya magbibigay ng P40k.

Subalit, tumawad umano ang negosyante at nagkasundo sila sa P30k.

Natakot umano ang negosyante sa mga banta ni Mendi kaya siya nakipagkasundo sa nasabing halaga bagamat

may permit naman ang kanyang negosyo batay sa ginwang beripikasyon ng NBI sa DENR.

Nang mag-abutan na ng nasabing halaga ay agad siyang hinuli ng mga tauhan ng NBI.

Bukod dito, sinabi ni Bongngat na maging ang regional execurive director ng DENR region 2 at director

ng Mines and Geosciences Bureau ay naging biktima rin umano Mendi.