
Maynila — Kinumpirma ng Land Transportation Office (LTO) na hindi na kailangan pang magbayad ng medical at courier fees ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa pag-renew ng kanilang driver’s license.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, layon ng hakbang na ito na mabawasan ang gastusin ng mga OFW at mapadali ang proseso ng license renewal, lalo na sa panahon ng matinding pangangailangan ng kanilang pinaghirapang pera.
Sa pakikipagtulungan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW), magsasagawa ang LTO ng mga license renewal caravans sa iba’t ibang bansa kung saan nagtatrabaho ang mga OFW.
Ani Lacanilao, ito ay bilang pagkilala sa malaking kontribusyon at sakripisyo ng mga OFW, at alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan at suportahan ang ating mga kababayan sa ibang bansa.










