(c) PSSgt. Dexter Peralta of PNP-Iguig

Narekober na ang bangkay ng isa sa dalawang batang nalunod nitong Lunes sa bahagi ng Cagayan river ng Barangay Andarayan South, Solana.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni P/Capt. Jhun-Jhun Balisi, hepe ng Solana Police Station, narekober kaninang umaga (March 24) sa Barangay Sta Rosa, Iguig ang bangkay ng biktimang si Mary Rose Busilan, 11-anyos, grade 5.

Ayon kay Balisi, nagtungo sa ilog upang maglaba ang biktima, kasama si Hyacinth Narag, 16, grade 9 na unang narekober ang bangkay kahapon (March 23).

Matapos maglaba ay nagpasya umano ang dalawa na maligo sa ilog hanggang sa nalaman na lamang sa mga kaanak ng ina ng isa sa mga biktima na nalunod ang kanyang anak.