TUGUEGARAO CITY-Hinimok ng Ecowaste Coalition ang publiko na i-recycle ang mga campaign materials sa katatapos na halalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, pinayuhan ni Aileen Lucero, coordinator ng Ecowaste Coalition na maari pang pakinabangan ang mga campaign materials sa halip na itapon sa mga basurahan.
Nagbabala pa si Lucero na posibleng magbabara ang mga campaign materials lalo na ang mga tarpaulin sa mga drainage canal na magbubunsod naman ng mga pagbaha sa panahon ng tag-ulan.
Kasabaya nito ay nanawagan ang grupo sa lahat ng mga kumandidato natalo man o nanalo na tanggalin ang kanilang mga campaign materials.
Nanawagan ang grupo sa Comelec na ipagbawal na ang paggamit ng mga toxic na tarpaulin at poster, sa halip ay gumamit na lang ang mga kandidato ng biodegradable materials.
Nanawagan din silang maging “creative” na lamang sa mga susunod na eleksion at huwag nang gumamit ng mga nasabing materyales.
Aniya nakakasama sa kalusugan lalo na sa utak at baga ang mga toxic chemical mula sa mga tarpaulin tulad ng cadmium at lead.