TUGUEGARAO CITY-Umaabot sa P7.5 million ang inilagak na piyansa ng 75 chinese na nahuli sa sinalakay na illegal gambling den sa Barangay Rapuli sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni P/Col. Ariel Quilang, Director ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) na P100,000 ang piyansa ng bawat Chinese national sa kasong illegal gambling.
Habang ang tatlong Pinoy na sina Mylene Tuazon, Erwin Digol at Alexis Isaac Ferro ay naglagak ng tig-P90,000 na piyansa.
Ayon kay Quilang na sa ngayon nasa Villa Saturnina Resort and Hotel sa Barangay Rapuli, Santa Ana ang mga nahuling Chinese.
Nauna ng inihayag ng PNP na mga illegal alien ang mga nahuling Chinese batay na rin isinumiting certification ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) sa pulisya na wala umano silang working visa at hindi sila konektado sa ahensiya.
Inihayag ng pulisya na subject for deportation ang mga nasabing dayuhan na hinihinalang nakapasok sa bansa gamit ang Lal-lo International Airport.with reports from Bombo Marvin Cangcang