Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad sa Cagayan kaugnay sa na-recover na cocaine sa baybayin ng Sitio Birao, Barangay Dilam, Calayan, Cagayan noong May 10, 2025.
Ayon sa Cagayan Police Provincial Office, inaalam nila kung saan galing ang mga nasabing iligal na droga at kung sinu-sino ang mga posibleng sangkot sa illega drug trade.
Una rito, nagsagawa ng sea borne patrol ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNPP at Philippine Coast Guard (PCG) sa ilalim ng pinaigting na SPIES o Strengthening Port Interdiction to Enhance Security, kung saan namataan nila ang isang na plastic pack na may markang “COCA RACING.”
Kasunod nito ay may nakuha pa silang dalawa pang kahalintulad na pakete sa nasabi ring lugar.
Sa isinagawang pagsusuri noong May 15 sa PNP Regional Forensic Unit 2, positibo na naglalaman ang mga nasabing pakete ng cocaine na may timbang na 2,672.6 grams.