Inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw na ito ang administrative order (AO) na nagpapahintulot sa paglalabas ng gratuity pay para sa contract of service (COS) at job order (JO)workers sa pamahalaan.

Base sa AO No. 28, ang mga manggagawa na ang kanilang serbisyo ay sa pamamagitan ng COS at JO, na nakapagsilbi ng kabuuan o aggregate na kahit apat na buwan ng actual satisfactory performance of service as of December 15, 2024, at epektibo pa ang kanilang kontrata sa nabanggit na petsa, ay makakatanggap ng one-time gratuity pay na hindi tataas sa P7,000 para sa fiscal year 2024.

Ang mga walang apat na nagtrabaho as of December 15 at epektibo ang kanilang kontrata ay mabibigyan din ng one-time gratuity pay, batay pro-data basis, kung saan ang mga nakapagtrabaho ng tatlong buwan subalit wala pang apat na buwan ay makakatanggap ng P6,000, ang nag-serbisyo ng dalawang buwan ay may makukuha na P5,000, at ang wala pang dalawang buwan ay makakatanggap ng P4,000.

Saklaw ng kautusan ang COS at JO workers sa national government agencies, state universities and colleges, government-owned or -controlled corporations, at local water districts.