Ilang buwan na lang ay local at national elections na.

Mahigit 18,000 positions ang paglalabanan ng mga kandidato mula sa senators hanggang local officials.

Isasagawa ang halalan sa May 12, 2025, kung saan kabuuang 18,271 national at local positions ang paglalabanan ng mga kandidato.

Para sa Senado na may 24 na miyembro, 12 ang lamang ang iboboto.

Ang mga Senador ay may anim na taong termino ay maaari silang muling tumakbo sa magkasunod na termino.

-- ADVERTISEMENT --

Para sa local positions, kinabibilangan ito ng 82 governors, 82 vice governors, 792 provincial board members, 149 mayors, 149 vice mayors, at 1,682 councilors.

Kasalukuyan ang voter registration at ito ay magtatapos sa September 30.

Ang filing naman ng certificate of candidacy (COC) at Certificates of Nomination and Acceptance (CONA) ay mula October 1 hanggang 8, 2024.

Ilalabas naman ang listahan ng tentative candidates sa October 29, at sa November 8 naman ang huling araw ng request para sa ballot corrections.

Kaugnay nito, papayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang paggamit ng AI sa digital campaigns subalit may mahigpit na mga patakaran upang maiwasan ang misinformation at disinformation.

Ayon sa Comelec, kailangan na sabihin ng political candidates, parties, at organizations ang paggamit nila ng AI, beripikahin ang pagiging lehitimo ng AI-generated account, at malinaw na ihayag kung ang content nito ay namanipula gamit ang AI technology.

Ipinagbabawal ang deepfakes, at ikinokonsidera ng Comelec ang karagdagang restrictions sa paggamit nito.

Ang mga patakaran naman para sa digital campaigns, ay kailangan na irehistro ng mga kandidato, parties, at kanilang teams sa Education and Information Department sa loob ng 30 araw matapos ang paghahain ng COC, at ang deadline ay sa December 30, 2024.

Ito ay kinabibilangan ng websites, podcasts, blogs, vlogs, at iba pang online platforms.

Kailangan din na ihayag ng mga registered social media accounts ang paggamit ng AI, at ang hindi tutugon dito ay pagpapaliwanagin upang maiwasan ang violation complaints.

Ipinagbabawal sa panahon ng eleksion ang hindi otorisadong pagdadala ng mga armas o iba pang nakamamatay na armas, hindi otorisadong paggamit ng security personnel o bodyguards, pagbabago sa precinct boundaries, at pagsuspindi sa mga halal na opisyal na walang pag-apruba ang Comelec.

Samantala, isasagawa ang local absentee voting mula April 28-30, 2025.

Sa gabi ng May 11, bago ang araw ng halalan, ipapatupad ang liqour ban at bawal na ang mangampanya.

Pagkatapos ng halalan, isasagawa ang canvassing ng mga resulta sa mga presinto at proklamasyon ng mga nanalo na city at municipal officials sa pagitan ng May 12 hanggang 15, 2025.

Ang proklamasyon para sa mga nanalo sa senatorial, congressional, pary-list, at provincial elections ay isasagawa naman sa pagitan ng May 13 hanggang 19, 2025.