Posibleng may koneksyon sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO ang nangidnap sa isang international school student sa Maynila nitong Biyernes.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, batay sa impormasyong kanyang nakuha, ang mga dumukot sa senior high school student ay konektado sa mga iligal na gawain ng POGO.

Naunang sinabi ni Gatchalian na dahil sa ban sa mga POGO sa bansa ay nagsilipatan sa operasyon ng maliliit na scamming activities at kidnapping ang mga natitirang mastermind o lider ng sindikato.

Sinabi ni Gatchalian, isa sa mga nagtulak ng total ban sa mga POGO sa Senado, nakakaalarma na sa kabila ng pagbabawal sa mga POGO ay nakahanap pa ng ibang magagawang krimen ang mga ito na siyang dapat na tutukan din ng mga otoridad.

Ilan pa sa mga impormasyong nakuha ng senador ay may ilang POGO bosses ang patuloy na nagtatago sa Pilipinas at umiiwas na mahuli ng ating law enforcers, marami na rin ang umalis ng bansa subalit may mga natitira pang lider ng mga sindikato ang gumagawa ng hindi maganda at patuloy na bumibiktima sa ating mga kababayan at sa mga dayuhan.

-- ADVERTISEMENT --