TUGUEGARAO CITY-Ang init ay pumapatay sa pamamagitan ng pagtulak sa katawan ng higit sa makakayanan nito.

Sa matinding init at mataas na pagkahalumigmig ng hangin, ang pag-evaporate ay bumabagal at kinakailangang doblehin ng katawan ang pagsisikap nito na mapalamig ang temperatura.

Karamihan ng problema sa init ay nangyayari kapag nasobrahan ng pagkababad sa init ang biktima o nasobrahan ang pag-ehersisyo para sa kaniyang edad at kondisyon ng pangangatawan.

Ang mga mas matatanda, maliliit na bata at silang mga may sakit o labis sa timbang ay mas malamang na bumigay sa matinding init.

-- ADVERTISEMENT --

Kasama sa mga kondisyon na naghahatid ng mga karamdamang may kinalaman sa init ang di nagbabagong kondisyon ng alapaap at mahinang kalidad ng hangin.

Dahil dito, ang mga taong naninirahan sa lungsod ay maaaring mas nasa panganib mula sa epekto ng nagtatagal na heat wave kaysa sa mga naninirahan sa bukirin .

Gayon din, ang aspalto at konkreto ay mas matagal na nag-iipit ng init at dahan-dahan itong pinakakawalan kapag gabi na maaaring maging dahilan ng mas mainit na temperatura sa gabi na kilala bilang urban heat island effect.

Ang heat wave ay isang mahabang panahon na matindi ang init, at kadalasang sinasabayan ng mataas na pagkahalumigmig ng hangin.

Ang mga kondisyong ito ay maaaring mapanganib at nakamamatay pa para sa mga taong hindi gumagawa ng wastong paghahanda.

Nitong nakalipas na araw ay umabot sa 43 degrees celcius ang naitalang heat index dito sa lungsod ng Tuguegarao at sa bayan ng Aparri.

Ang heat index ay ang tinatawag na “init-factor”, ito ang sukat ng temperaturang nararamdaman ng isang tao.

Mas mataas ito kumpara sa naitatalang temperatura ng hangin.

Paliwanag ng PAG-ASA, masusukat sa pamamagitan ng heat index table ang temperaturang nararamdaman ng katawan ng tao.

Ayon sa PAGASA, kung ang heat index ay umabot sa 33 hanggang 41-degrees celsius, posibleng makaranas ng sun stroke, heat cramps, at heat exhaustion ang isang tao.

Kung umabot naman ito sa 42 hanggang 54 degrees celsius, posibleng humantong na ito sa heat stroke, at kapag umabot sa 55 degrees pataas, maari na itong magdulot ng heat stroke o sun stroke kapag tuloy-tuloy ang pagbababad sa init ng araw.

tinig ni Den Labadia ng PAGASA

Malaki ang kaugnayan ng panahon sa mood ng tao, na siya rin namang nakaaapekto sa kaniyang kalusugan, mga relasyon, at trabaho.

Kapag init na init ang isang tao at pawis na pawis, mahirap mag-concentrate sa ginagawa, hindi kumportable, at minsan ay iritable pa.

Narito ang ilang tips para maging maganda ang pakiramdam at kalusugan ngayong tag-init.

Magsuot ng manipis at maluwag na kasuotan, iyong yari sa malambot na tela.

Sa ganitong paraan pa lamang ay may malaki nang mararamdamang ginhawa.

Siguraduhing uminom ng 8 hanggang 10 basong tubig araw-araw.

Maganda kung malamig at may yelo ang ilan.

Dahil labis ang pagpapawis kapag panahon ng tag-init, mas maraming kailangang tubig ang katawan.

Kailangang sapat ang iniinom na tubig para makaiwas sa dehydration at pagkakasakit.

Maganda ring tumigil nang ilang minuto at maupo sa loob ng bakuran para makalanghap ng sariwa at malamig na hangin.

Mababawasan pa ang konsumo sa kuryente dahil hindi na kailangan ng electric fan at aircon.

Maiiwasan ding mag-overheat ang iyong appliances.

Matutuwa ka sa pagggalaw ng mga dahon at sanga ng mga halaman kasabay ng pag-ihip ng hangin.

Para kang nagkaroon ng iba’t ibang automatic na pamaypay!

Kung maluwang ang iyong bakuran ay magtanim ng mga puno na nagbibigay ng oxygen at lilim – malayo ang mga sanga sa bakod at sa bahay para hindi maakyatan ng magnanakaw.

Maligo dalawa o tatlong beses sa isang araw.

Magbaon ng damit na pamalit kung sobrang pagpapawisan sa pupuntahan.

Kumain ng mga pampalamig tulad ng sagogulaman, halo-halo at ice cream, huwag lang araw-araw dahil baka naman tumaas ang iyong blood sugar.

Iwasang pumunta sa mga lugar na masyadong maraming tao at siksikan kung hindi naman kailangan, lalo na ang paglabas sa araw mula alas 10 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon kung kailan napakainit ng araw.

Mag-ingat sa mga aso, lalo na kapag mainit ang panahon kung kailan pati ang mga hayop ay nagiging iritable.

Magbaon ng pasensiya at magsabog ng good vibes.

Kapag malamig ang ulo at maganda ang mood, ito ay may malaking epekto sa mga nakakasalamuha mo, at malamang na ganoon din ang ibalik nila sa iyo.

tinig ni DOH Sec. Dque

Paalala pa ni secretary duque na kung puwede naman ay gamitin ang mga makabagong teknolohiya gaya ng text messaging at social media sa pang-araw- araw na trabaho para hindi na kailangan pang lumabas sa bahay para maiwasang ma-expose sa sobrang init ng panahon.

muli si Duque