TUGUEGARAO CITY- Tatalakayin ng sangguniang panlungsod ng Tuguegarao sa susunod na sesyon ang panukala na patawan na ng multa at parusa ang mga magulang o mga guardians na pinapayagan ang mga kabataan o edad 21 pababa na lumabas ng bahay ngayong panahon ng covid-19 pandemic.

Sinabi ni Councilor Atty. Reymund Guzman, batay sa panukala, sa first offense, P1,000 ang multa o 4 hrs. na community service, second offense ay P2,000 o anim na oras na community service at sa third offense ay P3,000 o walong oras na community service.

Gayonman, sinabi ni Guzman na may exemption sa mga hindi papayagan na lumabas na mga kabataan at senior citizen sa ilalim ng guidelines kaugnay sa covid-19.

Ayon sa kanya, maaari lamang lumabas ang mga ito kung sila ay nagtatrabaho o may importante na bibilhin o gagawin sa labas ng kanilang mga tahanan.

-- ADVERTISEMENT --