Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatatanggap ng P1,000 insentibo ang bawat guro sa pampublikong paaralan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Teachers’ Day.

Ayon sa Pangulo, layunin ng insentibo na kilalanin ang sakripisyo at kontribusyon ng mga guro sa paghubog ng kabataan at ng kinabukasan ng bansa.

Kasabay nito, inanunsyo rin ni Marcos na inilalaan ng administrasyon ang P26.55 bilyon mula sa mga hindi napakinabangang flood control projects upang dagdagan ang pondo ng Department of Education.

Gagamitin ito para sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, pagpapabuti ng nutrisyon ng mga bata, pagtaas ng sahod ng mga guro, at modernisasyon ng mga paaralan.

Tiniyak ng Pangulo na patuloy ang pamahalaan sa paglalaan ng pondo at paghahanda ng mga programang pangmatagalan para sa sektor ng edukasyon.

-- ADVERTISEMENT --