Sinira ng kapulisan ng Cagayan ang mga nakumpiska at isinuko na mga iligal na paputok mula sa iba’t bayan ng lalawigan kaninang umaga.

Katuwang ng PNP Cagayan sa nasabing aktibidad ang Bureau of Fire Protection (BFP).

Nabatid na nagkakahalaga ng mahigit P16,000 ang mga sinirang paputok, na kinabibilangan ng 32 boxes na super lolo, 2 boxes ng pla pla, 137 piraso ng boga, 1 iraso ng 100 rounds judas belt, isang piraso ng 200 rounds judas belt, 1 piraso ng 500 rounds judas belt, 81 piraso na kwitis.

Kaugnay nito, pinuri ni PCOL Mardito Anguluan, director ng PNP Cagayan Provincial Intelligence Unit at mga pulis ng probinsiya sa kanilang masigasig na kampanya laban sa mga iligal na paputok.

Kasabay nito, sinabi ni Angoluan na patuloy ang monitoring ng PNP at BFP sa mga iligal na paputok para sa ligtas na pagdiriwang at pagsalubong sa Bagong Taon.

-- ADVERTISEMENT --