Idineklara ng House panel kaninang umaga na “sufficient in form” ang impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang dalawang impeachment complaint laban sa Pangulo ay inihain ni Atty Andre de Jesus at ang isa pa ay mula sa progressive group leaders at mga kongresista mula sa Makabayan bloc.

Isasagawa naman ang hiwalay na pagdinig ng komite kung sufficient in substance ang dalawang impeachment complaint.

Inakusahan ni De Jesus si Marcos ng graft and corruption, culpable violation of the Constitution, at betrayal of public trust.

Inakusahan ng Makabayan bloc ang Pangulo ng betrayal of public trust kaugnay sa maraming proyekto sa ilalim ng national budget na layunin umano na ibigay ang pondo sa kanyang mga kaalyado.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Batangas Second District Rep. Gerville Luistro, chair of the panel, na hindi makakaapekto sa hiwalay na impeachment proceedings laban kay Marcos ang resolusyon ng Korte Suprema sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.