Pinaalalahanan ng Commission on Elections ang mga kandidato na bawal ang mangampanya sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Ayon sa Comelec, isang election offense ang pangangampanya sa mga nasabing araw.

Kasabay nito, pinayuhan ng Comelec ang publiko na maghain ng reklamo laban sa mga kandidato na makikita nila na lalabag sa election laws, o idulog agad ang mga ito sa mga awtoridad, at tiyakin na sapat ang mga ebidensiya para suportahan ang reklamo.

Samantala, pinaalalahanan naman ng Department of Education (DepEd) ang mga school head sa rules and regulations sa pag-imbita ng mga kandidato sa moving-up at recognition ceremonies.

Ayon sa DepEd, huwag gawing partisan political activity ang end-of-school-year rites.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng DepEd na kung hindi maiiwasan na may mga kandidato na dadalo sa mga nasabing aktibidad, kailangan na humingi ng permiso sa Comelec.