Nakatakdang maglabas ng kautusan ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagtugon sa mga bullying sa mga estudyante.

Ayon kay DOJ Undersecretary Ian Norman Dato, sa ilalim ng Department Order na ilalabas ay aatasan ang local prosecution offices at mga Action Center ng kagawaran na tumanggap ng mga reklamong may kaugnayan sa bullying.

Sa pamamagitan aniya nito ay matutugunan ang problema sa bullying sa mga paaralan.

Sinabi pa ni Dato na sa magkakaroon ng aksyon lalo na kung nakukulangan pa rin ang mga magulang kapag hindi nabibigyang pansin ang reklamo.

Tungkulin naman aniya ng local prosecution offices na suriin ang mga reklamo at i-refer sa paaralan o sa Women and Children Protection Center ng Philippine National Police (PNP).

-- ADVERTISEMENT --

Ang hakbang na ito ay paraan umano ng pamahalaan na ipakitang seryoso sa pagsugpo sa problema ng bullying lalo na sa mga kabataan.