Pinababantayan na Senator Francisco “Kiko” Pangilinan sa publiko ang mga abusadong huwes na hinahayaang makatakas ang mga opisyal sa pananagutan.

Kaugnay na rin ito sa naunang pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi lang sa ehekutibo at sa mga mambabatas talamak ang katiwalian kundi pati na rin sa hudikatura.

Pinuna ni Pangilinan na marami ang galit ngayon sa mga kurakot na politiko at mga public works subalit nang maabswelto ang ilang mga nakasuhan ng plunder noon ay wala man lamang nagalit sa mga mahistrado.

Giit ng senador, hindi lamang ito isyu ng katiwalian kundi isyu rin ng katarungan sa sistema ng hudikatura.

Katunayan, mas malawak pa aniya ang katiwaliang nangyayari kabilang ang malaking pananagutan mula sa hudikatura pero sa kabila nito ay hindi kilala kung sino ang mga tiwala sa nasabing sangay ng gobyerno.

-- ADVERTISEMENT --

Hinimok ni Pangilinan ang mga kababayan pati na ang media na maging vigilante sa hudikatura para maiparating ang malinaw na mensahe na hindi kukunsintihin ang anumang pangaabuso sa kapangyarihan.