Nag-react ang ilang kritiko at kaanak ni Vice President Sara Duterte matapos maglabas ng arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng kasong grave threats laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Bicol Saro party-list Representative Terry Ridon, dapat harapin ni Duterte ang mga alegasyon at dumaan sa proseso ng korte. Iginiit naman ni ML Party-list Representative Leila de Lima na ang warrant ay nagpapakitang may sapat na batayan ang korte upang suriin ang ebidensya laban sa bise presidente.

Samantala, dinepensahan siya ng kanyang mga kaanak sa Kamara. Tinawag ni Davao City 2nd District Representative Omar Duterte na isang uri ng political harassment ang arrest warrant, habang nagpahayag naman ng suporta si Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte sa kanyang kapatid.

Nag-post ng P120,000 bail kada count si Sara Duterte para sa tatlong bilang ng grave threats at matapos nito ay inalis ng korte ang bisa ng arrest warrant.

-- ADVERTISEMENT --