TUGUEGARAO CITY-Imumungkahi umano ng Integrated Bar of the Philippines (IBP)ang pagbabago sa pagkuha ng mga pulis.
Sinabi ni Atty. Egon Cayosa,incoming president ng IBP na dapat na ang mga sasanaying mga maging opisyal ng PNP ay law graduate dahil sa bihasa na ang mga ito sa mga batas.
Naniniwala siya na kung may malawak na kaalaman sa batas ang isang pulis ay hindi na rin magkakaroon ng kapalpakan sa mga imbestigasyon sa mga kaso na humahantong sa dismissal.
Sinabi ni Cayosa na ganito na ang sistema sa ibang bansa tulad sa Russia at maging sa Eastern European countries.
Ayon kay Cayosa na batay sa mga nasabing bansa, mas epektibo ang isang pulis na ipatupad ang kanyang trabaho kung siya ay law graduate.
-- ADVERTISEMENT --