TUGUEGARAO CITY- Pinapayagan na ang mga mag-aaral sa daycare center, elementarya at sekondarya sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod na magsuot ng long sleeves at pants lalo na tuwing tag-ulan.
Itoy matapos aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng konseho ng Tuguegarao ang inihaing ordinansa ni Councilor Gilbert Labang upang maprotektahan ang mga mag-aaral sa dengue virus.
Sa naging presentasyon ni Karina Gauani, chairman ng Committee on Health na magiging solusyon ang naturang ordinansa sa tumataas na bilang ng nagkakasakit ng dengue sa lungsod.
Dumaan rin ang inaprubahang ordinansa sa masusing pag-aaral at public hearing.
-- ADVERTISEMENT --