TUGUEGARAO CITY- Tinawag ng mga magsasaka sa Cagayan si Senator Cynthia Villar na hindi makatao dahil sa isinulong nitong Rice Tarrification Law.

Binigyan diin ni Engr. Reymund Calagan, miembro ng farmers’ cooperative na imbes na makatulong sa kanila ang nasabing batas ay lalo silang nalulugmok dahil sa mababang presyo ng palay.

Dahil dito, umapela ng tulong si Calagan sa NFA na dagdagan ang kanilang buying capacity at bumili ng sariwang palay.

Nanawagan din siya sa Department of Agriculture na magbigay ng subsidy sa para sa kanilang farm inputs at mechanical dryer na kanilang magagamit ngayong tag-ulan.

Ayon sa kanya, hindi naman nila maaaring tanggihan ang mga sariwa at spotted na palay mula sa mga miembro ng kanilang kooperatiba dahil sa wala silang pambayad ng utang.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyan diin niya na kung patuloy ang ganitong sitwasyon ay mawawalan na rin sila ng pambayad sa kanilang pagkakautang sa gobierno.

ang tinig ni Calagan