TUGUEGARAO CITY-Nanawagan si Samira Gutoc ng otso diretso sa mga mananalong independent candidates sa senado na makiisa sa oposisyon upang maging balanse ang mataas na kapulungan ng kongreso.

Sinabi ni Samira Gutoc, mahalaga na may oposisyon sa senado upang may check and balance lalo sa usapin sa budget allocation at sa mga polisiya na ipatutupad ng administrasyon.

Ito ay dahil sa peace and order lang umano nakatutok ang administrasyon.

Ayon sa kanya, dapat din na pagtuunan ng pansin ng administrasyon at mga mambabatas ang iba pang usapin tulad na lamang ng dagdag sa sahod ng mga guro, ang issue sa West Philippine Sea at iba pa.

Samantala, una nang nag-concede si Gutoc na sa kasalukuyan ay nasa ika-25 pwesto sa senatorial race.

-- ADVERTISEMENT --