CTTO

TUGUEGARAO CITY- Problema umano ngayon ng mga mangingisda sa Region 2 ang kokonting huling isda ngayong panahon ng tag-ulan.

Sinabi ni Jaime Yusores, president ng Samahan ng mga mangingisda sa Rehion at Lokal na buhat nitong nakalipas na buwan ay nabawasan na ng malaki ang kanilang nahuhuling mga isda dahil sa sama ng panahon.

Ayon sa kanya, nag-aagawan na ng pangingisda ngayon sa mga mababaw na bahagi ng karagatan dahil sa hindi kaya ng kanilang maliliit na bangka na pumalaot sa malalayong bahagi ng dagat.

Kaugnay nito, sinabi ni Yusores na isa rin sa kanilang hinahanapan ng solusyon ay ang presyuhan ng mga isda ngayong matumal ang kanilang mga nahuhuli.

Ayon sa kanya, sinisikap nila na hindi naman maapektuhan ang mga consumers sa masyadong mataas na presyo ng isda kapag kokonti ang supply.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit sinabi niya na ang nagpapataas dito ay ang mga direct buyers dahil kahit mura ang bili nila sa mga mangingisda ay dumodoble naman ang presyo nito pag dinala na sa merkado.