Kung may nararamdamang sintomas gaya ng ubo, sipon, o lagnat, iwasan nang lumabas at makihalubilo sa mga pagtitipon ngayong Undas.

Ito ang paalala ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa paggunita ng Undas, kung kailan inaasahang magsisiuwian sa kani-kanilang probinsya ang marami upang mabisita ang mga mahal sa bahay.

Ayon kay Herbosa, mabuting mag-stay at home na lang upang hindi na makahawa sa iba pang kaanak.

Paalala nito: madaling makahawa at mai-transmit ang mga flu-like symptoms sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing, at close contact lalo na sa mga matataong lugar gata ng sementeryo.

Patuloy namang ipinaaalala ng ahensya ang pagsa-sanitize ng kamay gamit ang sabon at tubig o alcohol sa panahong ito.

-- ADVERTISEMENT --