Nilinaw ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na hindi ligtas sa pananagutan ang mga menor de edad na sangkot sa krimen sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act, kasunod ng panawagan na ibaba ang edad ng criminal responsibility matapos ang insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.

Ayon kay Pangilinan, ang batas ay may nakapaloob na proseso ng intervension at rehabilitasyon para sa mga batang lumalabag sa batas, at hindi ito nangangahulugan ng agarang pagpapalaya sa mga ito.

Iginiit din ng senador na may pananagutan ang mga magulang at may tungkulin naman ang pamahalaan, sa pamamagitan ng mga ahensya tulad ng DSWD, na magbigay ng angkop na suporta at gabay upang maiwasan ang pag-ulit ng ganitong mga insidente.

Dagdag pa niya, mahalaga ang tamang pagpapatupad ng batas at hindi ang pagpapakalat ng takot at maling impormasyon sa publiko.