Tuguegarao City- Nagsagawa ng turn over ceremony ang provincial government ng Cagayan kaugnay sa 7 motorsiklong na ipinagkaloob sa Cagayan Police Provincial Office (CPPO).
Sa panayam kay PCOL Ariel Quilang, Provincial Director ng CPPO, malaking tulong aniya ang karagdagang mga motorsiklo sa hanay ng pulisya upang magamit sa kanilang mga inululunsad na kampanya kontra kriminalidad.
Nagpasalamat naman si Quilang sa suporta ng na ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan sa PNP.
Tinatayang nasa P600,000 naman kabuuang halaga ng ipinagkaloob na mga motorsiklo.
Samantala, inihayag naman ni Governor Manuel Mamba ang plano pa ng provincial government na magbigay ng karagdagang 35 na mga sasakyan sa oras na maaprubahan ang 2020 budget ng probinsya.
Sinabi pa ni Mamba na mandato din ng provincial government ang pagsuporta sa hanay ng kasundaluhan upang mapaigting ang kampanya sa paglaban ng insurhensiya.