TUGUEGARAO CITY-Hinimok ng Philippine Navy na nakabase sa bayan ng Sta Ana, Cagayan ang mga nagnanais na maging reservist na magpasa lamang ng kanilang mga dokumento at maging bahagi ng kanilang grupo.
Ayon kay Lt. Commander Joseph Eric Palattao kasama ang anim pang miembro ng Philippine Navy, bagamat una ang binuksan ng kanilang grupo ang pagtanggap ng mga nagnanais maging reservist, pansamantalang naantala dahil sa banta na dulot ng coronavirus disease 2019(Covid-19).
Sa ngayon, sinabi ni Palattao na muli nang tatanggap ang kanilang grupo at magsisimula na rin ngayong buwan ang unang batch ng mga sasailalim sa training.
Kaugnay nito, ilan sa mga requirements na dapat ipasa o dalhin ng mga applikante ay ang certicate na mula sa National bureau of investigation, police at court clearance , medical certificate at PSA o NSO.
Bukas para sa mga nagnanais na maging reservist ang mga may edad 18 hanggang 60 ngunit kailangan ay physically fit.
Samantala, patuloy ang pakikipagtulungan ng grupo lalo na sa pagpapatupad ng alituntunin laban sa covid-19 maging sa pagbabantay sa mga checkpoint area katuwang ang PNP at LGU.
Idinagdag pa ng grupo na patuloy din ang pagsasagawa sa kanilang mga proyekto katulad ng pagpapanatiling malinis ang dagat sa kanilang mga nasasakupang lugar maging ang pagsasagawa ng tree planting.