Naghahanda na ang mga negosyong malakas gumamit ng tubig sa inaasahang epekto ng Super El Niño, kabilang ang mga resort at farm.

Ilan sa mga resort farm ang lumipat sa mga pananim na mas kaunti ang kailangan na tubig at nagsimula na ring mag-ipon ng tubig-ulan para magamit sa hinaharap.

Ayon sa National Water Resources Board o NWRB, dapat bawasan ng mga water-intensive business ang paggamit ng tubig at hangga’t maaari ay mag-recycle o gumamit ng rainwater harvesting.

Sa ilalim ng Water Code, mas prayoridad ang suplay ng tubig para sa domestic use at irigasyon kaysa sa mga recreational facility gaya ng resort at golf course.

Tiniyak naman ng NWRB na mananatiling prayoridad ang suplay ng tubig para sa mga kabahayan, kabilang ang Metro Manila, at ang irigasyon para sa mga pananim gaya ng palay.

-- ADVERTISEMENT --