Nakatakdang magtaas ng alerto ang Department of Health (DOH) sa lahat ng mga pagamutan na pinatatakbo ng pamahalaan sa rehiyon dos sa posibleng pagtama ng bagyong Ramon.

Kasabay nito, tiniyak ni Val-Aaron Taguinin, nurse III ng DOH-RO2 na handa silang magtaas ng alerto sakaling kakailanganin.

Ayon kay Taguinin, naka-preposition na sa ahensiya ang mga gamot at iba pang medical supplies na ipapamahagi sa bawat probinsiya na maaapektuhan sa bagyo na posibleng mag-landfall sa Isabela sa Sabado.

Samantala, naging prayoridad ng DOH ang pagpigil ng ibat-ibang sakit sa evacuation centers sa Northern Cagayan na binaha, kamakailan.

Ayon kay Taguinin, nasa 301 na kaso ng ibat-ibang sakit ang idinaing ng mga evacuees na karamihan ay ubo, sipon at altapresyon ang natugunan ng ahensiya.

-- ADVERTISEMENT --

Pagtitiyak pa ni Taguinin na kahit nakauwi na ang mga maysakit na evacuees ay may medical team sa bawat munisipiyo sa mga binahang lugar para sa kanilang follow up.

Ikinatuwa rin niya na walang naitalang kaso ng leptospirosis sa mga binahang lugar sa lalawigan.