Nakiramay at nakisimpatiya ang ilang pasahero sa mga jeepney driver matapos bawiin ni Ferdinand Marcos Jr. ang ipinatupad na dagdag-pasahe sa pampublikong transportasyon.

Sinasabi ng ilan sa mga pasahero na bagama’t pabor sila sa desisyon dahil makakatulong ito sa mga commuter, nauunawaan din nila ang kalagayan ng mga tsuper.

Ayon sa kanila, hindi naman kalakihan kung pagbibigyan ang hirit na dagdag na piso o dalawang piso sa pasahe, lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang gastusin.

May ilan ding naniniwala na malaking tulong sana sa mga jeepney driver ang kahit maliit na dagdag-pasahe upang matugunan ang kanilang araw-araw na pangangailangan.

Dagdag pa ng iba, nararapat ding isaalang-alang ang pagtaas ng sahod, dahil kapwa nahihirapan sa kasalukuyang sitwasyon ang mga driver at mga commuter.

-- ADVERTISEMENT --