Bibili ang Bureau of Corrections (BuCor) ng mga sando para sa persons deprived of liberty sa gitna ng banta ng matinding init ng panahon.
Ilang bahagi na ng bansa ang nakakaranas ng mataas na heat index, o ang aktuwal na init na nararamdaman ng katawan, na nagbunsod pa sa ilang eskwelahan na magsuspindi ng klase.
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na ipinag-utos na niya ang emergency procurement ng mga sando upang maibsan ang init sa mga siksikan na mga selda.
Ipinag-utos din ni Catapang ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa jail facilities sa buong bansa.
Samantala, tinaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makakaranas ng “danger level” heat index ang apat na lugar sa Luzon ngayong araw na ito.
Sa pagtaya ng state weather bureau, mararanasan ang 42°C heat index sa San Jose Occidental, Mindoro at 43°C sa Legazpi, Albay at Virac, Catanduanes.
Ang heat index ay ang alinsangan na nararamdaman ng katawan.
Ang 52°C at mas mataas pa na heat index ay maituturing na “extreme danger,” na posibleng magdudulot ng heat stroke.