Nangangalap na ng mga impormasyon ang Philippine Embassy sa Myanmar hinggil sa mga Pilipinong naapektuhan ng malakas na lindol kahapon.
Layon nito na madetermina kung anong maaaring itulong ng embahada sa mga apektadong Pilipino.
Naghahanda na rin ang Philippine Embassy ng team na ide-deploy nila sa ground para tingnan ang kalagayan ng mga Pilipino sa Myanmar.
Nagbukas din ang embahada ng linya para sa mga Pinoy na nais mag-avail ng relocation o repatriation.
Nananawagan din ang Philippine Embassy sa mga Pilipinong naapektuhan ng malakas na lindol na magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook page.
-- ADVERTISEMENT --